Wednesday, June 02, 2010

Alam n'yo na ..

Wala pa akong motivating force para ikwento dito yung tungkol sa .. alam n'yo na. Hindi ko pa din mahanap yung tamang pagkakataon eh. (Pilitin n'yo 'ko! HAHA) Gusto ko sana, kapag naisa-blog ko na 'yon, eh, handang-handang-handa na ako. Handa ng bitiwan lahat ng pinanghahawakan? Parang gano'n. Gusto ko rin namang makalimot. At nasimulan ko naman na. Pero mas maganda pa rin kasi kung handa na talagang magsimula ng panibago't mas masayang buhay-"alam n'yo na" ulit, 'di ba? At dahil papansin ako, ayan, papansin din itong post na 'to. Sana matino na yung kasunod .. at yung mga susunod ko pang gagawin. :] ♥

I wish.


I wish you were here.

May mga taong sa sobrang laki ng iniwang marka sa buhay mo, eh, nakakamiss talaga. Lalo na kung yung samahan nyo sa kasalukuyan ay hindi na gaya ng dati. Nakakainis yung tipong naglalakad ka, nakita mo yung dati niyong tinatambayan noong madalas pa kayong magkasama, yung paborito niyong street food, yung madalas niyong orderin sa kinakainan niyo, yung pader/upuan/puno/tissue na sinulat-sulatan niyo, at kung anu-ano pa, tapos maaalala mo na lang siyang bigla. Ang ibig kong sabihin, eh, yun bang nakadikit na sa ilang bagay yung mismong alaala niya. Yung parang kapag nakita mo yung mga bagay na yun, automatic, siya ang unang-unang papasok sa isipan mo. Nakakainis kapag sinanay ka niya o kusa ka lang nasanay na nandiyan siya tapos bigla na lang mawawala. Pagkatapos niyang mawala, yung mga bagay na hindi mo naman napapansin noon habang kasama siya, eh, magugulat ka na lang na maaalala mo sa puntong madaanan mo ang mga ito kasi nga nakikita mo siya dito. Kapag umabot sa tipong ang dami mo ng naalala, doon mo mapapagtanto na hinahanap-hanap mo siya, na gusto mo ulit siyang makasama, na gusto mong gawin ulit yung mga nakasanayan niyong gawin kahit abutin pa kayo ng isang buong araw, na hindi mo pa rin mapakawalan yung kaliit-liitang bagay o pangako na hanggang sa abot ng iyong makakaya ay pinanghahawakan mo, at sa bandang huli malalaman at aaminin mong hindi ka pa rin sanay na wala siya sa tabi mo. I wish you were here ..

I wish you the best.

May mga bagay na gusto natin pero talagang hindi para sa atin. Wala tayong ibang magagawa kundi ang tanggapin ito. Wala naman tayong karapatang pangunahan sila. Hindi pwedeng tayo ang masusunod sa lahat ng oras. May sarili rin silang gusto sa buhay, at hindi natin 'yon pwedeng panghimasukan. Hindi tayo nagmahal para lamang mahalin. Nagmahal tayo ng may pagkukusa. Kailangan nating magpatuloy sa buhay -- nandiyan man siya o wala. Hindi sila dumating sa buhay natin para lamang punan ang ating pagkatao o kaya ay saktan tayo. Nakilala natin sila para na rin matuto. Walang taong ginustong saktan ang kapwa niya. May mga panahon lang na hindi umaayon sa kung ano ang ninanais natin. "Hindi niya piniling saktan ka. Nasaktan ka lang kasi hindi maluwag sa puso mo na ibigay yung hinihingi niya." Hindi natin dapat isumbat sa kanila ang pagkukulang o sakit na idinulot nila sa atin. Dapat pa natin silang pasalamatan sa panahong inilaan nila upang iparamdam sa atin na minsan sa ating buhay, naranasan nating mahalin. Kung talagang mahal mo yung tao, matututo kang ibigay ang pagpapatawad para na rin sa ikatatahimik ng loob niya na ikagagaan naman din ng loob mo. Sa pagkakataong ito, I wish you the best ..

Sunday, May 30, 2010

Ang sea urchins sa Batangas.

May 29-30, 2010.
Call time: 5:00am
Departure: 5:30am
Lobo, Batangas.

Yehey! Outing ng BPSO (scholarship namin). Sakto. Walang magawa sa bahay eh. At nasasayang ang summer ko. Wee! ♥ Sa pinakalikod ng bonggang Makati Bus kami nakapwesto. At syempre excited ako. Hindi pa ako nakakapunta sa Batangas eh. Atsaka matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi sa Aklan kaya nakalimutan ko na yung amoy ng dagat. Noong una, syempre ine-enjoy ang sarili sa biyahe. Hello, nature. Hello, green things. Hello, mountains. Hello, cows, carabaos, and goats. Hello, Batangas. HELLO, SUMMER! :) Pero ang haba pala. Tapos pinalipat pa kami nila Kuya Tolits kasi maglalaro sila ng baraha sa likod. Napunta ako sa pangdalawahan na upuan, katabi si Jerome ata. Ang tahimik niya nga eh, nakakahiya dumaldal kaya nanahimik na lang ako, nakinig ng music, naglaro sa cell phone at kung anu-ano na para akong may sariling mundo, at natulog. Nasa loob na kami ng Batangas nung natulog ako. Paggising ko, wala pa rin kami sa venue. So tulog ulit. Paggising ko, may nakita na 'kong arko na nakalagay: "Welcome to Lobo Resort" 10:19am. Tapos paakyat pala yun ng bundok. Paliko-liko yung daan paakyat. Halos pang-one way lang yung daanan. May mga nadaanan din kaming mga bangin. Basta, nakakakaba at nakakahilo. Parang hindi pa matapos-tapos, 11:49am na sa cell phone ko. Mga 12 something na siguro kami nakarating sa resort. Pinakauna kong nasabi, "Shet! Ang ganda ng dagat!" Maganda talaga! Blue kung blue. ♥ Yun. Pero hindi kami pumunta doon para magswimming lang. May agenda para sa event. Nakaschedule lahat ng magaganap. Pwede lang magswimming kapag free time at kung sinabi ng ExeCom. Bawal din ang night swimming. Pagdating, nagpahinga at naglunch. Tapos free time na, yehey! :)) Bihis-bihis, nakiburaot ng sunblock, nagtatatakbo papunta sa beach. Ang linaw ng tubig. Hindi kasi karamihan yung mga tao. Ewan ko, baka naligaw o naaksidente sa bangin habang papunta. Kasi as in halos kami lang ang nandun. Kaunti lang yung pami-pamilyang nagpunta. Dahil hindi ako marunong lumangoy, gilid-gilid lang ang rampa. Paupo-upo lang sa tabi. Pahukay-hukay at pasulat-sulat lang sa buhangin. Aba, may nabiktima agad ng sea urchins. Nagtanong ako kung anong itsura nun para alam ko kasi praning ako at damang-dama ko na susunod ako. Ang sagot sa'kin ni Rellen, hindi ko naman daw makikita yun. Invisible? K. Sabi ni Lorenzo lumusong daw ako kasi baka ma-sunburn ako. Hindi kami close. Ka-committee ko lang siya. Oo, takot akong mangitim bigla. At hindi naman talaga dapat ako magbabasa sa dagat kung hindi lang nila ako sinabuyan paglapit ko sa dagat. Adik siya! HAHA. Hindi, making friends lang naman, at ayos lang. Paglusong ko, sinama ako nila Rellen at Camille hanggang sa boundary ng pwedeng languyin. Nung pabalik na at malapit sa buhanginan, may nakita akong itim na bato, malaki-laki siya. Sakto ang laki sa buong paladko. Ang ganda niya tingnan galing sa taas. Dadamputin ko sana pero alam kong hindi ko abot. Umalon bigla, tapos feeling ko hihigupin ako ng dagat palayo. Pagtapak ko, hanep sa sakit. Doon ko naisip na letsugas, sea urchin na yung natapakan ko. Looks can be deceiving talaga, bwiset na "bato" yun. Ang sakit! Nyeta. Paika-ika tuloy yung lakad ko kasi malamang babaon lalo kapag derecho. "Shet! Ang dami sa kanya," "Pwede mouth-to-mouth resocitation na lang?" "Patingin ako, patingin." Inggit? Tapakan nyo din. >:P Record-breaker ako. Nasa 30+ yung nakatusok sa paa ko, sa kanila nasa isa, apat, at dose lang. Wagi! =)) (Nabibilang siya, kulay itim eh) Sabi daw ng mga taga-doon, calamansi/suka/ihi daw para matunaw yung tinik-tinik. Syempre jolamansi na, 'di ba? :))



May games nung hapon, per cottage yung laban. Hindi ako kasali sa sack race. Sa duck walk, puzzle, at tug of war lang. Hindi na natuloy yung dodge ball. Nung gabi naman, may Mutya ng Gabi pa. Lagpas alas dose na kami nakabalik sa cottage. Dinerecho tulog ko na, masakit pa ngipin ko eh. May mga nag-inuman pa pala na alas dos na eh, hindi pa tapos. Alas sais pa naman yung naka-schedule na gising.

Kinaumagahan, wala kaming nagawang kahit ano sa schedule dahil late na ang gising ng lahat. At napag-isipan ng ExeCom na i-enjoy na lang yung outing. Lusong ulit, syempre. Nakatsinelas nga lang. Pero pwede na rin kaysa maburyo sa cottage habang nagpapakasunog at nagbabasaan ang karamihan. May nahuli pa silang blue na jellyfish. Alas tres kami umalis sa resort.

Over all, masaya naman. Hindi ko na kinailangan mag-uwi ng buhangin, kusa ng lumapit sa'kin yung remembrance eh. Makakalimutan ko ba naman yung lugar na yun? Ang sakit kaya sa paa. :)) Pero sobrang ganda talaga nung venue. Sa sobrang ganda, ayos na sa'kin na dun na tumira. Kaso syempre, going home na lang din. May mga nakilala rin akong bagong kakilala(?) HAHA redundant. Sana yearly na yung outing. Tsaka sana hindi na ikaltas sa stipend namin yung 300 para dun. Ang hoping ko. =))))

Sea urchins + Friends + Cottage 1 + Beach + Mountains + Cliffs + Trees + Animals + Greeeen + Batangas = FUN SUMMER VACATiON.
♥ ♥ ♥

Wednesday, May 26, 2010

Paano na nga ulit 'yon?

Nakalimutan ko na kung paano ma-in love. Paano na nga ba ulit 'yon? Pakipaalala naman sa'kin yung feeling oh.


HAHAHA. CHARiNG! XD

Friday, May 21, 2010

I ♥ 4D .. FOREVER. :)

"I will miss you when I wake up." sabi ni Alice kay Mad Hatter bago sila maghiwalay. Ako, mamimiss ko kayo hindi lang sa paggising ko bukas at sa mga susunod pang araw .. Mamimiss ko kayo palagi. 'Di ko makakalimutan yung mga pinagsamahan nating lahat. Totoong kanya-kanya ang lakaran pero sa lahat ng may grupo-grupo, isa tayo sa mga pinakaBUO. Meron mang DARK ft. POGi, CHiKADORAS ft. LRT BUDDiES, DOTA BOYS, at TROPANG PUGS na sakop ng klaseng 4D, masaya pa rin tayo. Nakuha pa nga natin ang matamis na UNO sa PE dahil sa saya nating magkakasama, 'di ba? :))

I always thought you were the best, I guess I always will. I always felt that we were blessed and I feel that way still. Sometimes we took the hard road but we always saw it through. If I had only few friends left, I'd want it to be YOU. ♪♪ Ang saya ng araw-araw na kasama kayo. At dahil d'yan, SALAMAT. ;') Salamat sa pagkakaibigang walang kapantay .. Ayoko na sanang idaan pa sa blog 'to kaso naubusan ako ng chance na ano, alam nyo na, Busy kasi yung huling week ng pasok natin -- yung huling week na kasama ko kayo ..

Gusto kong magpasalamat sa inyo sa pakikisama sa'kin. Alam kong hindi ganun kalaki yung impact ng pagiging kaklase ko sa inyo. Pero salamat talaga sa pakikipagkaibigan sa'kin. At I value friendship naman. A lot. ;') Lahat kayo ay parte na ng buhay ko. Pero syempre, may mga umeksena ng todo ng buhay-BSA ko. At hindi pwedeng matapos ang litanyang 'to na hindi ko kayo naiisa-isa.

--

King Lee, Jhodeliza, Nerica, Palad. Go go go. I-enjoy nyo ang pagiging 4D. Smile lang palagi. Rishel, hindi ko makakalimutan ang pang-aaway, pang-aapi, pamamatid, at pagtataray mo sa'kin. Echusera ka! Mamimiss kita. :'(

--

TROPANG PUGS, ang babait nyo eh. Wala akong masabi. Ipagpatuloy ang magandang simulain. (Parang remarks lang ng teacher pag 1st grading. XD) Reynante, Imee, Ann, Joselda, Glezee, Hazel, Phil, Lawrence. Ipapatuloy nyo lang ang pagsisipag nyo. Ingat kayo palagi. Chessa, salamat sa palda mo nung play namin sa Speech, wala talaga akong maisuot nun. At salamat sa pagdamay nyo sa'kin nung midterms sa Rizal. Ninja, salamat din sa pagdamay sa'kin nun pati sa nakakaiyak mong text sa'kin. Salamat, sooobra. Mamimiss ko kayo. :'(

--

Janine kapatid, nakakatuwa ka talaga. Wall post-wall post na lang ha? :) Alyza, ang tangkad mo! Wala lang, ang galing! Inggit ako. :)) Daisy, napakagenerous mo sa pag-gift sa farmville, salamat. :) Terlex, nakakatuwa yung personality mo. Ang totoo, nakakainggit. Haha. Strong kasi eh. :) CHiKADORAS, bongga kayo. Pogi nyong apat! Go girls. :D Mamimiss ko kayo. :'(

Jayson, galingan mo lalo ha. Wag muna magsyota. Sabi ni ser Baguino magiging CPA ka dahil sa handwriting mo. Ikaw ang pag-asa ng bayan! :)

Crescel at Steven. Ang cute nyong dalawa. Wag kayong maghihiwalay ha? :> Salamat sa mga natutunan ko sa'yo Crescel. Mamimiss ko kayo. :'(

--

David bayaw, Nico idol superstar, Aris, go lang. Galingan nyo para pogi. :D
Myrone, salamat sa kulitan. Mamimiss ko yun. Salamt sa pagdamay pag malungkot ako, lalo na nung bago yung play namin sa Speech. Nakakagaan ng loob ang pakikipag-usap ko sa'yo nun. Itatago ko yung binigay mo. Love you friend. Mamimiss kita. :'(

--

Mary, Justine, Winnie, Romina. Galingan nyo pa sa accounting. Alam kong kaya nyo yan. I-aral nyo na lang ako. :)) Mamimiss ko kayong tatlo! :'( Mary, sana naging masaya ka sa on-the-spot 18th birthday mo. Justine, salamat sa libre nung birthday mo tsaka sa pagtuturo mo sa'kin pag may hindi ako narinig/naintindihan. Winnie, ikaw nang bahala kay Lawrence, kayo na ang magkatabi eh. :)) Romina, patahimikin mo na lang si Aldie kapag nabibingi na yung 4D ha. :)) Love you girls! ♥

--

HOMERS. Salamat sa bonding moments natin sa Centerpoint. Salamat sa lahat. :) Jerick, S.O. ha? Haha. Mamimiss ko yung tawa mo. Pati yung "Uyy, si ser!" kapag busy mag-ingay ang lahat. :)) Von, amiga, bawasan ang kalandian ha? Ipapa-gang rape kita sa mga babae. :p :)) Mamimiss kita. :'( Rico, mamimiss ko din yung kakaiba at nakakatawa mong pagtawa. Salamat sa mga binigay mo kahit hindi naman na kailangan, baet oh. :D Mamimiss din kita. :'( Jral, nagsisimula ka na ng bagong-buhay ah, delete character ba? :)) Go. Ipapatuloy mo yan. Salamat sa lahat. Napakakulit mo! Haha. Sorry naman kung kasabay ko sila Des, Raf, at Carpal. Buhay pa naman si Rusty eh, kaya mo yan! :D Salamat sa unique apir! *apir!* :) Mamimiss kita Jeral :'( At syempre, ang dyosa ng Homers, Cathy! Ako lang tatawag sa'yo ng Katie ha. Pakisapak na lang para sa'kin yung iba. :)) Salamat sa lahat. Love you Katie! Mamimiss talaga kita :'( I love you, Homers! :'((

--

At makakalimutan ko ba naman 'tong mga 'to? Syempre naman hindi. Ang pinakamamahal kong DARK ft. POGi. Kamille, TF, tunay ka talagang kaibigan. Salamat sa lahat. Mamimiss ko yung mga trip mo sa buhay, yung hindi mabilang na pagkakapareho natin sa mga ayaw at gusto., at syempre IKAW. Nag-enjoy ako sa bonding natin habang naghahanap ng maisusuot para sa Mi Ultimo Adios. Salamat sa lahat-lahat. Pati sa yakap nung midterms sa Rizal. Galingan mo lalo. I love you TF! ♥ :'( Rusty, PF, alam naman nating lahat na pogi ka. Pero pa-cute ka pa rin! :p Loko ka. 'Di ka na nagpakita simula nung huling araw ng pasok. Hindi ka na nga sumama sa Luneta, napaiyak mo pa rin ako bago ka umuwi. Pero ayos lang. Salamat sa nakakaiyak mong notes sa cellphone ko. Sobrang mamimiss kita, yung panghihiram mo ng cellphone para makapag-picture, yung pakikiinom mo palagi, yung pangongonsensya mo pag bibili kami ng pagkain, LAHAT, Maaalala kita kapag may tortillos akong black. I love you PF! ♥ :'( Aldie, QF, sobra-sobra-sobrang mamimiss talaga kita. Akala ko hindi mo ako mamimiss eh,, wala ka kasing sinasabi. Tapos nagtext ka bigla last minute kagabi, naiyak ako at na-push para ituloy ang blog na 'to. Dahil sa'yo marami akong narating na lugar. Lagi kitang kasama sa galaan. Lagi ka pang nandyan pag kailangan kita. Nakakainis! Mag-wall post ka pa rin sa'kin ha, tsaka text. Basta galingan nyo nila Rusty at Kam. Good luck. I love you talaga QF! ♥ :'( Mamimiss ko kayong tatlo ng bongga. Basta, ako lang tatawag sa inyo ng ganun ha. Wag na kayong maghanap ng bago. :)) Matindi pa sa singsing ng mag-asawa yung tawagan na yan. Hindi yan mawawala. I looove you Kamalderusdeschin Penetolarelarenpez! ♥

--

Sa mga kasama ko namang aalis, Des CF, Rafael, Carpal, Melvin, at Sheena, kaya natin 'to. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay para sa atin. Kaya yan. Good luck sa kanya-kanya nating pupuntahan. :)

--

Ayun oh. Patapos na rin ako. Hayy. Ang dami kong na-type pero mas maganda pa rin kung personal kong nasabi sa inyo. Kulang pa rin kasi 'to .. Lalo na kung walang yakap. Tss. *GroupHug* :) Mamimiss ko talaga kayong lahat. Good luck sa buhay 2nd year. Sana hindi kayo makalimot. Sana maalala nyo rin ako kahit paminsan-minsan lang. MAHAL KO KAYO. :'(((

♪♪ When you're down and troubled, and you need a helping hand, and nothing is going right, close your eyes and think of me, and soon I will be there to brighten up even your darkest nights. You just call out my name, and you know wherever I am, I'll come running to see you again. Winter, spring, summer, or fall, all you got to do is call and I'll be there. Yes, I will, you've got a friend. ♪♪